Sa kanyang instruksyon kamakailan tungkol sa pagsusulong ng pagtatayo ng mga pilot Free Trade Zone (FTZ), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat itatag ang mga de-kalidad na malayang sonang pangkalakalan (FTZ) para pasulungin ang pagbabago at pag-unlad ng mga ito at harapin ang malulubhang hamon.
Noong nagdaang dekada, tinukoy niyang isinagawa ng mga pilot FTZ ang maraming saligan at makabagong hakbangin sa reporma at pagbubukas sa labas, natamo ng mga ito ang natatangi at nangungunang bunga sa institusyonal na inobasyon, at gumanap bilang komprehensibong plataporma ng pagsubok ng reporma at pabubukas sa labas.
Hiniling ni Xi sa mga may kinalamang larangan, na lagumin ang karanasan sa konstruksyon ng FTZ nitong nakaraang 10 taon, buong sikap na isakatuparan ang pambansang estratehiya sa pagpapasulong ng pilot FTZ, at isagawa ang eksplorasyon sa mas malalim at malawak na antas.
Saad pa niya, sa patnubay ng pagbubukas sa mataas na antas at institusyonal na inobasyon, dapat isakatuparan ng mga pilot FTZ ang koordinasyon ng pag-unlad at seguridad, at idugtong ang tadhana ng pandaigdigang kalakalan at kabuhayan sa mataas na istandard.
Ipinanawagan din ni Xi ang pagsusulong ng bukas na institusyon, inobasyon at kaunlaran ng buong kadena ng industriya, para patingkarin ang papel ng mga pilot FTZ.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio