Ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, bagong landas ng pag-unlad ng buong daigdig

2023-09-27 16:41:31  CMG
Share with:

Inilabas, Setyembre 26, 2023 ng Pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang “A Global Community of Shared Future: China's Proposals and Actions” bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng paghahain ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng ideyang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Ayon sa dokumento, ang nasabing ideya ay nagkaloob ng bagong landas ng pag-unlad sa buong daigdig, at naglalahad ng plano ng Tsina para magkasamang likhain ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang magandang kinabukasan.

 

Ano ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan?

 

Ang ideyang ito ay mula sa prinsipyo ng pagiging mapayapa, maharmonya, at kooperatibo ng tradisyonal na kulturang Tsino, at hangarin ng Nasyong Tsino sa kapayapaan at harmonya.

 

Hindi hangad ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan na palitan ang isang sistema at sibilisasyon, bagkus layon nitong isakatuparan ang pakikipamuhayan sa pagitan ng iba’t-ibang sistemang panlipunan, iba’t-ibang kultura at kasaysayan, at iba’t-ibang ideolohiya.

 

Isinusulong nito ang magkasamang pagsasabalikat ng responsibilidad, karapatan, at kapakanan sa mga suliraning pandaigdig ng iba’t-ibang bansa.

 

Narito ang mga litrato hinggil sa magkasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

1. Noong Enero 2020, ipinadala ng Tsina ang grupong medikal sa Maldives para lunasan ang katarata ng mga mamamayang lokal. Nitong ilang taong nalakipas, ilan pang grupong medikal ang ipinadala pa ng Tsina sa Laos, Kambodya, at Myanmar para tumulong sa paggamot ng nasabing karamdaman.


2.     Magkasamang iniprodyus ng Tsina at Ehipto ang bakunang laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

3.     Noong Disyembre 3, 2023, pormal na naisaoperasyon ang transnasyonal na daambakal sa pagitan ng Tsina at Laos.

4.     Isinagawa ng Tsina at mahigit 140 bansa at rehiyon ang pagpapalitan sa teknolohiyang agrikultural.

5.     Aktibong lumahok ang Tsina sa aksyong pamayapa ng UN.