CMG Komentaryo: Komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, puwersang nagpapabago sa mundo

2023-09-27 11:49:17  CMG
Share with:

Upang maresolba ang kasalukuyang mga hamon at problema, ang pagsilang ng isang mapanlikhang kaisipan at ideya ay di-maihihiwalay na tunguhin ng kasalukuyang siglo.


Sa kanyang talumpati sa Moscow State Institute of International Relations, Marso 2013, iniharap sa unang pagkakataon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Sa ngayon ay walang patid na yumayaman at umuunlad ang nasabing ideya, at nakakakuha ng malawakang pagkakilala at pagsuporta mula sa komunidad ng daigdig.


Bakit?


Inilabas Setyembre 26, 2023 ng Tsina ang white paper na pinamagatang “A Global Community of Shared Future: China's Proposals and Actions” kung saan komprehensibong inilahad ang mga kaisipan at bunga ng praktis ng pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Isinulong ng “Belt and Road Initiative (BRI)” ang halos trilyong USD na pamumuhunan, nai-ahon mula sa ganap na karalitaan ang nasa 40 milyong populasyon sa mundo, at sa harap ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), tinaguriang ng mga bansa na “tagapagbantay sa buhay” ang mga bakuna at medikal na materyal ng Tsina.


Ini-impluwensiyahan ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ang sangkatauhan.


Sa harap ng kasalukuyang nagbabago at masalimuot na situwasyong pandaigdig, “saan pupunta ang sangkatauhan?”


Ang ideya ng pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan ay siyang sagot ng Tsina sa tanong na ito.


Ayon sa ideyang ito, may napakahigpit na kaugnayan ang kinabukasan at kapalaran ng bawat nasyon, bawat bansa, at bawat tao; kaya, dapat isulong ang pagtatatag ng pangmatagalang kapaayapan, unibersal na kapayapaan, komong kasaganaan, pagbubukas, at kalinisan at kagandahan.


Sa harap ng mga hamong pandaigdig, ang magkakasamang pagtutulungan ng iba’t-ibang bansa tungo sa panalu-nalong resulta ay siyang tanging tumpak na pagpili.


Ngayon ay sumusulong ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at magiging mas namumukod ang katuturan at halaga nito kasabay ng paglipas ng panahon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio