Beijing – Sa kanyang pakikipagtagpo Setyembre 26, 2023, kay Sultan Al Jaber, President-Designate ng United Arab Emirates (UAE) sa 2023 United Nations Climate Change Conference (COP28) at espesyal na sugo ng UAE sa pagbabago ng klima, ibinahagi ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang ideya at aksyon ng bansa sa berde at sustenableng pag-unlad.
Sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, at Sultan Al Jaber, President-Designate ng UAE sa COP28 at espesyal na sugo ng UAE sa pagbabago ng klima
Aniya, ang Tsina ay aktibong tagapagtaguyod at matatag na aktibista sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Suportado ng Tsina ang pagdaraos ng COP28 sa Dubai, at matatag din itong makipagkooperasyon sa UAE para igarantiya ang positibong bunga ng naturang pagtitipon, saad ni Wang.
Kasama ng Tsina, umaasa naman si Sultan Al Jaber na mapapasulong at matatamo ng COP 28 ang historikal na tagumpay.
Sa kanya namang hiwalay na pakikipagtagpo kay Henry Paulson, dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika at Tagapangulo ng Paulson Institute, umaasa ani Wang ang Tsina na maibabalik sa rasyonal na landas ang patakaran ng Amerika sa Tsina, at maisasagawa ang mga aktuwal na aksyon.
Sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa Mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, at Henry Paulson, dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika at Tagapangulo ng Paulson Institute
Nanawagan siya upang paikliin ang negatibong listahan ng Amerika hinggil sa pakikipagkalakalan sa Tsina.
Ani Wang, kailangang magsikap ang dalawang bansa para hanapin ang paraan ng mapayapang pakikipamumuhayan.
Ipinahayag naman ni Paulson na patuloy na gaganapin ng Paulson Institute ang positibong papel para sa pagpapalitan ng Amerika at Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio