Pulong, idinaos ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC

2023-09-28 10:53:54  CMG
Share with:

Upang masiyasat ang komprehensibong ulat tungkol sa unang bahagi ng pandisiplinang inspeksyon na inilunsad ng Ika-20 Komite Sentral Partido Komunista ng Tsina (CPC), isang pulong ang idinaos, Setyembre 27, 2023 ng Pulitburo ng naturang komite.


Ayon dito, ipinakikita ng unang bahagi ng inspeksyon ang napalakas na ang konstruksyon ng partido at sariling pangangasiwa sa mga kompanyang ari ng estado, lalo na sa mga larangang gaya ng pinansiya, at palakasan, at natamo ang mga bagong bunga.


Sa kabilang dako, napag-alaman sa pulong na mayroong pang ilang naiiwang problema.


Para masolusyunan ang mga ito, napagdesisyunang ipagpatuloy ang mahihigpit na hakbangin at mga kaukulang inspeksyon.


Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang nasabing pulong.


Salin: Lito

Pulido: Rhio