Ipinahayag, Setyembre 27, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na nitong 10 taong nakalipas, natamo ng Tsina at mga bansa ng Arabe at Gitnang Asya ang aktuwal at mayamang bunga ng kooperasyon hinggil sa magkasamang konstruksyon ng “Belt and Road Initiative (BRI).”
Noong nakaraang 10 taon, mainit aniyang tinanggap at lumahok ang mga bansang Arabe sa BRI at isinagawa ng Tsina at mga bansang Arabe ang mahigit 100 malaking proyekto ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng enerhiya at imprastruktuka.
Nakinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang panig, aniya pa.
Ani Wang, ang rehiyong Gitnang Asya ay nasa priyoridad ng kooperasyon ng BRI.
Sa ilalim ng magkasama at estratehikong patnubay ng mga lider ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya, natamo ang kapansin-pansing bunga sa kooperasyon ng konektibidad, dagdag niya.
Sinabi ni Wang, ang BRI sa kasalukuyan ay isang mahalagang plataporma at paraan ng pagsasakatuparan ng komong pag-unlad ng Tsina at mga kasangkot na bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio