Mas malaking pagsisikap, ipinanawagan ng Pangulong Tsino sa usapin ng kababaihan at kabataan

2023-09-29 11:21:10  CMG
Share with:

Sa mahalagang instruksyong ginawa kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa gawain ng kababaihan at kabataan, ipinanawagan niya ang mas malaking pagpupunyagi upang makapagbigay ng bago at mas malaking ambag sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng usapin ng kababaihan at kabataan ng bansa.


Diin ni Xi, sa pagpapasulong ng dakilang usapin ng pagtatayo ng malakas na bansa at pagsasakatuparan ng national rejuvenation, mahalagang puwersa ang kababaihan, at vital force ang kabataan sa kinabukasan.


Dapat aniyang pag-ibayuhin ng mga kaukulang trabahador ang kanilang pagsisikap upang mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng usapin ng kababaihan at kabataan ng bansa.


Idinaos sa Beijing Setyembre 28, 2023 ang Ika-7 Pambansang Komperensya tungkol sa Gawain ng Kababaihan at Kabataan.


Dumalo at bumigkas ng talumpati sa pulong si Premyer Li Qiang ng Tsina.


Salin: Lito