Washington — Ayon sa napagkasunduan ng Tsina at Amerika at sa paanyaya ng panig Amerikano, idinaos Setyembre 27, 2023 nina Sun Weidong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Daniel Kritenbrink, Asistanteng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, ang pagsasangguniang Sino-Amerikano tungkol sa mga suliranin ng Asya-Pasipiko.
Matapat, malalim at konstruktibong nagpalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, situwasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko, kanilang sariling polisyang rehiyonal, at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Inilahad ni Sun ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng Taiwan. Ang prinsipyong isang-Tsina ay sandigan para sa kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait, ani Sun.
Ang pagsasagawa ng Tsina at Amerika mabuting interaksyon sa rehiyong Asya-Pasipiko ay hindi lamang angkop sa komong kapakanan ng dalawang panig, kundi maging komong hangarin ng mga bansa sa rehiyong ito, diin pa ng panig Tsino.
Salin: Lito