Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Setyembre 28, 2023 kay Audrey Azoulay, Direktor-Heneral ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na malaking katuturan ang kooperasyon ng Tsina at UNESCO na nakakatulong sa magkasamang pagpapasulong ng pandaidigang usaping pangkapayapaan at pangkaunlaran.
Napakahalaga ng kooperasyong ito at dapat ito ipagpatuloy, ani Xi.
Sinabi ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, palagiang sinusuportahan ng Tsina ang mga gawain ng UNESCO, at maraming positibong ambag ang ibinibigay ng Tsina at UNESCO sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at pagpapasulong ng kaunlarang pandaigdig.
Nakahandang patuloy na magsikap ang Tsina kasama ng UNESCO upang patuloy na makapag-ambag sa nasabing pandaigdigang usapin, diin pa niya.
Ipinahayag naman ni Azoulay na sa mula’t mula pa’y lubos na pinahahalagahan at aktibong sinusuportahan ng pamahalaang Tsino ang mga gawain ng UNESCO.
Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan nila ng Tsina sa mga larangang tulad ng pangangalaga sa pamanang kultura, siyensiya, kultura, at teknolohiya para maproteksyunan ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Salin: Lito