Peng Liyuan, dumalo sa UNESCO award ceremony para sa edukasyon ng batang babae at kababaihan

2023-09-29 11:23:57  CMG
Share with:

Beijing — Dumalo Setyembre 28, 2023 sina Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at espesyal na sugo ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa pagpapasulong ng edukasyon ng batang babae at kababaihan, at Audrey Azoulay, Direktor-Heneral ng UNESCO, sa seremonya ng pagbibigay-gantimpala ng UNESCO para sa edukasyon ng batang babae at kababaihan.


Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Peng na sa kasalukuyang daigdig, nahaharap ang edukasyon ng batang babae at kababaihan sa bagong situwasyon, bagong kahilingan, at bagong hamon.


Umaasa aniya siyang pag-iibayuhin ng iba’t-ibang panig ang kanilang laang-gugulin at suporta upang tulungan ang mas maraming kababaihan sa pagkakaroon ng masayang pamumuhay.

Ani Peng, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang paggarantiya sa karapatan ng mga kababaihan sa pagkakaroon ng edukasyon. Nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng iba’t-ibang panig upang mapalakas ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan at mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng usapin ng edukasyon ng batang babae at kababaihan sa buong mundo.


Pinasalamatan naman ni Azoulay ang ibinibigay na suporta ng pamahalaang Tsino sa UNESCO at ang ginagawang namumukod na ambag ni Peng Liyuan sa pagpapasulong ng nasabing usapin.


Nakahanda aniya ang UNESCO na patuloy na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino para ibayong mapasulong ang usapin ng edukasyon ng batang babae at kababaihan sa daigdig.


Salin: Lito