Pagrehistro ng media sa Ika-6 na CIIE, bukas na

2023-09-29 11:19:25  CMG
Share with:

Mula Nobyembre 5 hanggang 10 ng kasalukuyang taon, idaraos sa Shanghai ang Ika-6 na China International Import Expo (CIIE).


Bukas na ang sistema ng pagrehistro ng media para sa mga Tsino at dayuhang mamamahayag mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 20.


Sa pamamagitan ng opisyal na platapormang gaya ng CIIE website na www.ciie.org at mobile client, puwedeng magtala ang mamamahayag upang i-ulat ang kaganapang ito.


Salin: Lito