Beijing — Isang resepsyon ang idinaos Setyembre 28, 2023 bilang pagdiriwang sa ika-74 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.
Dumalo at bumigkas ng mahalagang talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinagdiinan niya na maliwanag ang kinabukasan ng bansa sa makabagong panahon. Ang pagkakaisa ay puwersa at mas mahalaga ang kompiyansa kaysa ginto, ani Xi.
Dapat aniyang patatagin ang kompiyansa at patuloy na magpunyagi ang buong bansa upang hulagpusin ang mga kahirapan at matapang sumulong tungo sa dakilang hangarin ng pagtatayo ng isang malakas na Tsina at pagsasakatuparan ng national rejuvenation.
Nangulo sa resepsyon si Premyer Li Qiang ng Tsina. Kasama ng halos 800 panauhing Tsino at dayuhan, dumalo sa resepsyon sina Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi, Ding Xuexiang, Li Xi, at Han Zheng.
Salin: Lito