Relasyong Sino-Amerikano, nahaharap pa sa grabeng kahirapan at hamon

2023-09-30 15:08:54  CMG
Share with:

Isang resepsyon ang idinaos kamakailan ng Embahadang Tsino sa Amerika bilang maringal na pagdiriwang sa ika-74 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika, na nitong ilang taong nakalipas, napakalaking pagbabago ang nagaganap sa relasyong Sino-Amerikano. Ngunit hindi aniyang nagbabago ang mainit na pagpapalitan at pagtutulungan ng mga mamamayang Sino-Amerikano, at hindi ring nagbabago ang inaasahan ng komunidad ng dagdig sa pangkalahatang katatagan ng relasyong ito.


Sa patnubay ng mga lider at magkasamang pagsisikap ng kapuwa bansa, lumitaw kamakailan ang positibong tunguhin ng pagbuti ng relasyong Sino-Amerikano, at natamo ang ilang positibong progreso sa pagpapalakas ng diyalogo at kooperasyon ng dalawang bansa.


Ani Xie, nahaharap pa ang relasyong Sino-Amerikano sa grabeng kahirapan at mahigpit na hamon.


Umaasa aniya siyang kasama ng panig Tsino, magpupunyagi ang panig Amerikano para alisin ang mga hadlang at kontrulin ang mga alitan sa pamamagitan ng pragmatikong kilos, mapalakas ang diyalogo at mapalawak ang kooperasyon sa pamamagitan ng katapatan, at mapatatag at mapabuti ang relasyong Sino-Amerikano.


Salin: Lito