"Journey Through Civilizations" ng CMG, pinasimulan sa Hong Kong at Macao SARs

2023-09-30 10:48:02  CMG
Share with:

Ginanap ng sabay Setyembre 29, 2023 sa Hong Kong at Macao special administrative regions (SARs) ang seremonya ng pagsisimula ng eksbisyon ng China Media Group (CMG) tungkol sa kasaysayan at kultura ng sibilisasyong Tsino.


Ito ang bahagi ng global roadshow ng CMG na pinamagatang "Journey Through Civilizations" na inilunsad noong nagdaang Hunyo.

Sa pamamagitan ng multimedia, digitalization at immersive technologies, inidisplay nito ang pinagmulan at ebolusyon ng sibilisasyong Tsino at ipinakita ang magkakaibang kulturang Tsino.

Sa kanyang video address sa seremonya ng pagsisimula, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na sa patnubay ng dakilang blueprint ng Global Civilization Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping, kasalukuyang nagpupunyagi ang mga mamamayang Tsino upang maitayo ang modernong sibilisasyon ng Nasyong Tsino, bagay na makakapagpasulong sa pagtatamo ng bagong progreso ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.

Mainit niyang winiwelkam ang mga mamamayan sa Hong Kong at Macao sa pagbatid ng mas marami tungkol sa sibilisasyong Tsino, sa pamamagitan ng eksbisyong ito.


Dumalo at bumigkas ng talumpati rin sina Paul Chan Mo-po, Kalihim ng Pinansiya ng pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR), at Ao Ieong U, Kalihim ng mga Suliraning Panlipunan at Kultural ng Macao Special Administrative Region (MacaoSAR).


Salin: Lito