Unang gintong medalya ng Pilipinas sa Hangzhou Asian Games, nasungit ni Obiena

2023-10-01 18:00:55  CMG
Share with:


Setyembre 30, 2023, Sabado, sa Hangzhou Olympics Centre, nasungkit ng Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya sa ika-19 Asian Games, sa Hangzhou, Tsina, at gaya ng inaasahan, ito ay nagmula sa golden boy ng athletics ng Pilipinas na si Ernest John (EJ) Obiena.

 

Si Obiena ay silver medalist ng World Championships at ang nag-iisang Asian na lalaki na tumalon ng 6.00 metro, ay walang kaparis sa field, bilang ang tanging atleta na naka-clear sa 5.75m noong Sabado ng gabi.

 

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service kay Obiena, sinabi niya na ito ay isang kamangha-mangha, may ilang konting hiccups sa simula, lahat ng pole vaulters ay nahihirapan pero nakapag-adjust sa tamang paraan at ang lahat ay nakakamangha.

 

Inilipat ni Obiena ang bar hanggang 5.90m, na madali rin niyang naalis sa kanyang unang pagsubok na palawigin ang marka ng Asian Games, na nasira niya sa 5.75m. Hiniling niya na ang bar ay i-adjust pa nang mas mataas sa 6.02m sa pagtatangkang basagin ang kanyang sariling Asian record ngunit hindi siya nagtagumpay.

 

Masaya ako, ang layunin ko ay manalo ngayon, sa 5.75m panalo na, hihinto na dapat ako pero ang gusto ng aking coach ay magpatuloy, subukan ko at ma-experience ang kakaibang palaro, kung saan ang lahat ng tao ay umaasa na makita akong tumalon, ani Obiena.

 

Sa galing at husay ni Obiena, siya ay siguradong pasok na sa 2024 Paris Olympics at ang kauna-unahang Pilipino kuwalipikado para dito.

 

Alam kong kailangan kong pagtrabahuan ito, ngunit sa ngayon hayaan mo muna akong pasalamatan at enjoyin ang taong ito, at ako ay lubos na nagpapasalamat sa akin team, dagdag ni Obiena.

 

Ang matagumpay na Asian Games ay nagtapos sa season ni Obiena sa isang mataas na tala, pagkatapos ng kanyang ikalawang puwesto ay natapos sa parehong World Championships at Diamond League Final, at naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto sa world rankings sa likod ng world record holder na si Mondo Duplantis ng Sweden.

 

Ulat/Video: Ramil Santos
Editor: Liu Kai