Puso sa Puso, music video ng CMG para sa Hangzhou Asian Games

2023-10-01 17:59:41  CMG
Share with:


Inilabas kahapon, Setyembre 30, 2023, ng China Media Group (CMG) ang isang music video ng box zither o guzheng, tradisyonal na instrimento sa Silangang Asya, para sa Hangzhou Asian Games.

 

Pinamagatang "Puso sa Puso," ang musika ay itinanghal ng limang alagad ng sining mula sa Tsina, Hapon, Mongolia, Timog Korea, at Biyetnam, sa pamamagitan ng mga variant guzheng sa kani-kanilang bansa.

 

Ipinakikita naman ng saliw ng musika ang imahe ng Hangzhou bilang lugar na may pinaghahalong mga sinaunang tradisyon at modernong sibilisasyon.


Editor: Liu Kai