Ipinatalastas ngayong umaga, Oktubre 2, 2023, ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, ang opisyal na operasyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway.
Nauna rito, inilabas noong Biyernes ng Ministri ng Transportasyon ng Indonesya ang operating license sa PT Kereta Cepat Indonesia-China, joint venture consortium ng mga kompanyang ari ng estado ng Indonesya at Tsina na nagtayo at nagpapatakbo ng daambakal na ito.
Sa seremonyang idinaos ngayong umaga sa Halim Station ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway sa Jakarta, sinabi ni Widodo, na ang daambakal na ito ay palatandaan ng modernisasyon ng moda ng transportasyon ng Indonesya, na mataas ang episiyensiya, mapagkaibigan sa kapaligiran, at may integrasyon ng iba’t ibang paraan ng transportasyong pampubliko.
Editor: Liu Kai