Pambansang Araw, ipinagdiwang sa Tsina sa pamamagitan ng mahabang bakasyon

2023-10-02 19:05:36  CMG
Share with:

Nagtipun-tipon kahapon ng umaga, Oktubre 1, 2023, sa Tiananmen Square sa gitna ng Beijing, ang mahigit 300 libong tao mula sa iba’t ibang lugar ng Tsina, para pagmasdan ang seremonya ng pagpapataas ng pambansang watawat, sa espesyal na okasyon ng ika-74 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.

 

Ang ganitong aktibidad para ipahayag ang pagmamahal at pinakamabuting hangarin sa inangbayan ay idinaos din sa araw na ito sa buong Tsina na gaya ng Shanghai, Qingdao, Harbin, Shenzhen, mga espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao, at iba pa.

 

Kahapon ay ikatlong araw din ng walong araw na mahabang bakasyon ngayon sa Tsina para sa Mid-Autumn Festival at Pambansang Araw.

 

Pagkaraan ng family reunion sa Mid-Autumn Festival noong Setyembre 29, sinimulan na ng maraming Tsino ang paglalakbay sa mga lugar na panturista.

 

Ayon sa mga inisyal na estadistika, ang turismo at konsumpsyon sa kasalukuyang bakasyon ay may pag-asang babangon sa lebel noong panahon ng pre-COVID.


Editor: Liu Kai