Sa taunang pulong ng International Academy of Astronautics (IAA) na idinaos kahapon, Oktubre 1, 2023, sa Baku, Azerbaijan, ginawaran ng Laurels for Team Achievement, pinakamataas na gantimpala ng organisasyong ito, ang grupo ng Tsina na namahala sa Chang'e-5 mission noong 2020.
Ayon sa IAA, ang gantimpalang ito ay ibinigay sa mga grupo ng mga misyong pangkalawakan na gumawa ng kapansin-pansing trabaho at kumuha ng kahanga-hangang bunga.
Noong Nobyembre 24, 2020, inilunsad ng Tsina ang Chang'e-5 lunar probe sakay ng Long March-5 rocket mula sa Wenchang Space Launch Site.
Noong Disyembre 17, 2020 naman, lumapag ang return craft sa Inner Mongolia na may lulang mga sample na kinuha ng probe sa Buwan. Ito ang kauna-unahang misyon ng Tsina na ibinalik ang sample mula sa labas ng Mundo.
Editor: Liu Kai