Hidilyn Diaz, nagtapos sa ikaapat na pwesto sa women's 59kg final

2023-10-03 23:05:33  CMG
Share with:

 

Nagtapos, Lunes, Oktubre 2, 2023, sa Xiaoshan Sports Centre Gymnasium, sa ikaapat na pwesto si Hidilyn Diaz sa Women’s Weightlifting 59kg category ng ika-19 Hangzhou Asian Games.

 

Sa panayam ng China Media Group-Filipino Service kay Diaz, sinabi niya na ang Tsina ang pinaka magaling na host at eksperto sa pag-oorganisa ng mga palaro, lahat ay organisado, ang mga gusali sa athelete’s village ay parang luxury condominium sa Pilipinas.

 

Bagama’t hindi nanalo si Diaz ng ginto sa weightlifting, aalis siya ng Hangzhou na may magagandang alaala ng pagkatawan sa kanyang bansa.

 

Masaya parin ako kahit hindi ako nanalo ngayon, ginagawa ko lahat ng aking makakaya, itinulak ko ang aking sarili sa limitasyon, sinubukan ko ang 100kg, 130kg, 131kg snatch at sa susunod na kompetisyon alam kong magagawa ko na, ani Diaz.

 

Siya ay may kabuuang 223kg, mga 23kg sa likod ng nagwagi na si Kim Il Gyong ng Democratic People's Republic of Korea, na nagtakda rin ng bagong snatch world record patungo sa pag-angat ng 246 kg sa kabuuan.

 

Tignan natin sa Paris 2024, ang maipapangako ko lang ay gagawin ko ang aking makakaya, hindi mahalaga ang ranking sa ngayon, ang mahalaga ay maging kwalipikado at manalo ng ginto, dagdag ni Diaz.

 

Si Diaz, ang Olympic champion sa lower 55kg category ay makikipagkumpitensya sa mas mataas na timbang, dahilan para ang kanyang nakaraang laban ay ibaba mula sa Paris 2024 Olympics.

 

Pinili na magsimula sa 94kg sa snatch, ginawa ni Diaz ang kanyang pag-angat nang dahan-dahan at nagtagumpay.

 

Ulat/Video: Ramil Santos