Itigil ang di-makatuwirang pasugpo sa mga kompanyang Tsino: panawagan ng Tsina sa Amerika

2023-10-07 17:11:29  CMG
Share with:

Inanunsyo kamakailan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika ang paglalagay sa ilang kompanyang Tsino sa “entity list” ng kontrol sa pagluluwas.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Oktubre 7, 2023, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang naturang aksyon ay ekonomikong koersyon at unilateral na panini-il.

 

Matatag itong tinututulan ng Tsina, dagdag ng nasabing ministri.

 

Anito pa, dapat agarang itama ng Amerika ang maling aksyon nito, at itigil ang pagsugpo sa mga kompanyang Tsino.

 

Bilang reaksyon, isasagawa anito ng Tsina ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio