Ika-18 pambansang kongreso ng ACFTU, idaraos

2023-10-07 10:42:12  CMG
Share with:

Inihayag, Oktubre 6, 2023 ng All-China Federation of Trade Unions (ACFTU) ang pagdaraos ng ika-18 Pambansang Kongreso nito bukas, Oktubre 9 sa Beijing.


Ayon sa pahayag, lalahok sa kongreso ang 2,002 kinatawan ng mga trade union mula sa iba’t-ibang lugar ng bansa, 60 espesyal na kinatawan, at 50 panauhin mula sa Hong Kong at Macao.


Sususugan dito ang Constitution of Trade Unions ng Republika ng Bayan ng Tsina at ihahalal ang bagong liderato ng ACFTU, dadag ng pahayag.


Ang pambansang kongreso ng ACFTU ay idinaraos kada 5 taon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio