Kita ng domestikong turismo ng Tsina sa bakasyon ng Pestibal ng Gitnang Taglagas at Pambansang Araw, mahigit $US100 bilyong Dolyar

2023-10-07 16:26:01  CMG
Share with:

 

Ayon sa estadistikang inilabas, Oktubre 6, 2023 ng Ministri ng Kultura at Turismo (MCT) ng Tsina, umabot sa 753.4 bilyong yuan Renminbi o halos $US103.2 bilyong Dolyar ang kita ng domestikong turismo ng bansa sa bakasyon ng Pestibal ng Gitnang Taglagas at Pambansang Araw sa taong ito.

 

Ayon sa MCT, ang nasabing pigura ay lumaki ng 129.5% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.

 

Samantala, ang bilang ng biyahe ng mga domestikong turista ay umabot sa 826 milyon – mas mataas 71.3% kumpara sa gayunding panahon taong 2022, dagdag ng MCT.

 

Ang bakasyon sa Mid-Autumn Festival at Pambansang Araw ay nagsimula Setyembre 29 at nagtapos Oktubre 6, 2023.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio