Pag-atake sa Syria, kinondena ng Tsina

2023-10-08 10:59:21  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagsalakay ng suicide drone, Oktubre 5, 2023 sa isang pasilidad-militar sa Homs, Syria, ipinahayag, Oktubre 7, ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), ang mariing pagkondena.

 

Dagdag ng tagapagsalita, tutol ang Tsina sa anumang marahas at teroristikong aksyon sa anumang porma.

 

Nakikidalamhati aniya ang Tsina sa mga biktima ng insidente at nakikiramay sa kanilang mga kamag-anakan at sugatan.

 

Ayon sa ulat, mahigit 80 katao ang nasawi at mahigit 200 iba pa ang nasugatan sa naturang pagsalakay.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio