Mahigit $US3.1 trilyong Dolyares, foreign exchange reserve ng Tsina noong nagdaang Setyembre

2023-10-08 14:07:42  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas, Oktubre 7, 2023 ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina, umabot sa mahigit $US3.1 trilyong Dolyares ang halaga ng foreign exchange reserve (FER) ng bansa noong katapusan ng nagdaang Setyembre.

 

Ito ay mas mababa ng $US45 bilyong Dolyares kumpara sa katapusan ng nagdaang Agosto, saad ng SAFE.

 

Anito pa, tumaas ang US Dollar Index (USDX) at bumaba ang presyo ng pandaigdigang financial assets noong nagdaang Setyembre.

 

Dahil sa epekto ng pagbabago ng foreign exchange rate at presyo ng financial assets, bumaba ang halaga ng FER noong nakaraang buwan, sabi ng SAFE.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio