Kaugnay ng malakas na lindol, Oktubre 7, 2023 sa lalawigang Herat ng Afghanistan, ipinahayag, Oktubre 8, ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na nakahandang ipagkaloob ng panig Tsino ang saklolo sa panig Afghan, batay sa mga pangangailangan.
Aniya, nagdadalamhati ang Tsina sa mga nasawi at nakikiramay sa mga sugatan at kanilang mga kamag-anak.
Samantala, wala pa aniyang naitatalang kasuwalti mula sa mga mamamayang Tsino.
Ipinahayag naman ng Red Cross Society ng Tsina na ipagkakaloob nito ang $US200 libong Dolyares na tulong sa Afghan Red Crescent para sa gawaing panaklolo.
Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 2,000 katao na ang nasawi sa lindol, samantalang halos sampung libong iba pa ang naitalang sugatan.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio