Ika-19 na Hangzhou Asian Games, nagtapos

2023-10-09 15:36:15  CMG
Share with:

 

Nagtapos kagabi, Oktubre 8, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina ang Ika-19 na Asian Games.

 

Dumalo sa seremonya si Premyer Li Qiang ng Tsina.

 

Ayon ka Gao Zhidan, Presidente ng Lupong Tagapag-organisa ng Hangzhou Asian Games, at Chinese Olympic Committee, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang aktuwal na kahilingan at ekspektasyon sa pagtaguyod ng naturang palaro.

 

Sa pamamagitan ng pagsisikap, matagumpay na itinaguyod ng panig Tsino ang isang makulay na Asiad na may katangiang Tsino at kagandahang Asyano, dagdag niya.

 

Sinabi naman ni Raja Randhir Singh, Umaaktong Presidente ng Olympic Council of Asia (OCA), matagumpay ang katatapos na Hangzhou Asian Games, at nagpasalamat siya sa mahusay na paghahanda ng panig Tsino para rito.

 

Ipinatalastas din niya ang pagtatapos ng Hangzhou Asian Games.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio