Opisyal na inilahad sa Pulong sa Pampublikong Komunikasyon at Kultura, Oktubre 7 hanggang 8, 2023, sa Beijing ang Kaisipan ni Xi Jinping sa Kultura.
Sa kanyang patnubay at instruksyon, binigyan-diin ni Xi na kinakaharap ng gawain sa kultura ang bagong misyon sa makabagong panahon.
Dapat aniyang igiit ang patnubay ng ideya ng sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon; malakas na pasulungin ang usapin ng kasaganaan, kaunlaran at industriyang kultural; at palakasin ang konstruksyon ng kakayahan ng internasyonal na komunikasyon, para ipagkaloob ang lakas ng kaisipan at mabuting kondisyong kultural tungo sa komprehnsibong pagtatayo ng sosyalismong modernong bansa, at pagpapasulong ng dakilang pagbangon ng Nasyong Tsino.
Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Cai Qi, Pirmihang Kagawad ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio