Inilabas, Martes, Oktubre 10, 2023, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang “The Belt and Road Initiative: A Key Pillar of the Global Community of Shared Future.”
Sa patnubay ng Kaisipan ni Xi Jinping Sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa makabagong panahon, sistematikong ipinaliwanag sa white paper ang kasaysayan, ideya, pananaw, paraan ng pagpapatupad, bunga at katuturan para sa buong daigdig ng “Belt and Road Initiative (BRI);” komprehensibong ibinahagi ang masaganang bunga nitong nakaraang 10 taong sapul nang inilahad ang BRI; at ipinakita ang kapasiyahan at aksyon ng Tsina sa pagpapasulong ng dekalidad na kooperasyon sa ilalim ng BRI, at pagsisikap ng Tsina kasama ng iba’t ibang bansa para magkakasamang itatag ang komunidad ng may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Ang white paper ay may humigit-kumulang 28,000 karakter at inilathala ito sa 8 wikang kabilang sa Tsino, Ingles, Pranses, Ruso, Aleman, Espanya, Arabia, Hapones.
Salin: Sarah
Pulido:Ramil