Tsina, hinimok ang Pilipinas na itigil ang probokasyon sa isyu ng SCS

2023-10-10 16:29:29  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Oktubre 9, 2023 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang mga aksyon at pananalita ng Pilipinas kamakailan hinggil sa Ren’ai Jiao ng South China Sea (SCS) ay malubhang nakakasira sa soberanya at teritoryo ng Tsina at iniharap ng panig Tsino ang mga solemnang representasyon sa Pilipinas.


Hinimok aniya ng Tsina ang Pilipinas na itigil ang probokasyon at pagsasagawa ng kaguluhan sa dagat, para maiwasan ang pagkasira sa katatagan at kapayapaan ng SCS, at komong kapakanan ng mga bansa sa rehiyong ito.


Noong Oktubre 7, ipinahayag ng Tagapagsalita ng Armed Forces ng Pilipinas na ang paninindigan ng Tsina sa soberanya ng di-umano’y “West Philippine Sea” ay walang anumang batayan at di-responsible ang mga aksyon ng Tsina sa dagat.


Kaugnay nito, inulit ng Tagapagsalita ng Tsina na ang Ren’ai Jiao ay nabibilang sa bahagi ng teritoryo ng Tsina na angkop sa malawak na komong palagay ng komunidad ng daigdig at tadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) hinggil sa mga archipelago at walang anumang batayan ang paninindigan ng Pilipinas hinggil sa soberanya sa Ren’ai Jiao.


Sabi pa niyang iligal ang arbitrasyon ng South China Sea noong 2016.


Bukod dito, sinabi ng Tagapagsalita ng MOFA na ang kasalukuyang tension sa SCS ay nagmula sa mga aksyon at balak ng Pilipinas para sa pangmatagalang pagsakop sa Ren’ai Jiao.


Ito aniya ay malubhang nakapinsala sa teritoryo at soberanya ng Tsina, at lumabag sa pandaigdigang batas at Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).


Salin: Ernest

Pulido: Ramil