Xi Jinping, dadalo sa ika-3 BRFIC

2023-10-11 10:01:31  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Oktubre 11, 2023 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Oktubre 17 hanggang ika-18, idaraos sa Beijing ang Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRFIC).

 

Ani Hua, dadalo at bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng porum.

 

Ang tema ng porum na ito ay de-kalidad na magkasamang konstruksyon ng Belt and Road Initiative at pagsasakatuparan ng komong kaunlaran at kasaganaan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil