China-Europe Railway Express, flagship project ng Belt and Road Cooperation—MOFA

2023-10-11 12:16:08  CMG
Share with:

 

Ipinahayag kahapon, Oktubre 10, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sa pamamagitan ng 10 taong pag-unlad, ang China-Europe Railway Express ay naging flagship project at tatak ng Belt and Road Cooperation.

 

Inilahad ni Wang na sa kasalukuyan, ang daambakal na ito ay dumaraan sa 112 lunsod ng Tsina, mahigit 100 lunsod ng 11 bansa at rehiyon ng Asya at mahigit 200 lunsod ng 25 bansa at rehiyon ng Europa.

 

Ito aniya ay naging bagong plataporma ng pandaigdigang kooperasyon ng kabuhayan at kalakalan ng Asya at Europa.

 

Saad pa ni Wang na nakahanda ang Tsina na sa pamamagitan ng pagdaraos na Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation, lalo pang palalimin, kasama ng iba’t ibang panig ang aktuwal na kooperasyon at pasulungin ang pag-unlad ng daambakal na ito para mas magandang tulungan ang pag-unlad ng pandaigdigang kabuhayan at makinabang ang mga mamamayan sa paligid ng BRI.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil