Nitong 10 taong nakalipas sapul nang iharap ang “Belt and Road Initiative (BRI),” natamo nito ang kapansin-pansing bunga na walang patid na nakakapaghatid ng benepisyong pangkaunlaran para sa buong mundo.
10 taon na ang nakararaan, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nasabing inisyatiba. Hanggang noong katapusan ng Hunyo ng kasalukuyang taon, lumagda ang mahigit 150 bansa at 30 organisasyong pandaigdig sa mahigit 200 dokumentong pangkooperasyon tungkol sa magkakasamang konstruksyon ng BRI.
Bukod pa riyan, nilagdaan ng Tsina at 28 bansa’t rehiyon ang 21 kontrata ng malayang kalakalan, at pumalo sa 19.1 trilyong USD ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa pagitan ng Tsina at kaukulang bansa ng BRI.
Ipinalabas Oktubre 10, 2023 ng panig Tsino ang white paper na pinamagatang “The Belt and Road Initiative: A Key Pillar of the Global Community of Shared Future” kung saan naibunyag ang sanhi ng tagumpay ng inisyatibang ito: ang kaunlaran ay pundamental na kalutasan sa lahat ng problema.
Ang pagharap ng BRI ay hindi lamang para sa pag-unlad ng Tsina, kundi maging sa pag-unlad ng daigdig.
Ipinagkakaloob nito ang plano ng Tsino sa pagresolba sa mga problemang pangkaunlaran sa buong mundo na naging direktang sanhi ng pagiging matagumpay nito.
Salin: Lito
Pulido: Ramil