Ika-20 Diyalogo ng mga Tropang Tsino’t Indiyano, idianos

2023-10-12 14:52:51  CMG
Share with:

Inanunsyo ngayong araw, Oktubre 12, 2023 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na mula Oktubre 9 hanggang 10, 2023, idinaos sa hanggahan ng Chushul-Moldo ang Ika-20 Diyalogo ng mga Tropang Tsino’t Indiyano sa antas ng corps commander.

 

Tinalakay ng dalawang panig ang agarang paglutas sa mga natitirang isyu sa kanluraning bahagi ng hanggahan ng dalawang bansa, saad ng anunsyo.

 

Sumang-ayon din anito ang dalawang panig na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa at panatilihin ang ugnayang militar at diplomatiko para malutas ang nabanggit na mga isyu.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio