Mensaheng pambati para sa Ika-30 Anibersaryo ng Relasyong Sino-Hilagang Masedoniko, ipinadala sa kapuwa panig

2023-10-12 15:52:28  CMG
Share with:

Kaugnay ng Ika-30 Anibersaryo ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Hilagang Masedonya, nagpalitan ng mensaheng pambati ngayong araw, Oktubre 12, 2023 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Stevo Pendarovski.

 

Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na sapul nang itatag ang nasabing relasyon, mabunga ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng imprastruktura, kalusugan at pagpapalitan sa kultura.

 

Aniya, mahalaga ang relasyon ng dalawang bansa, at kasama ng Hilagang Masedonya, nakahandang palalimin ng Tsina ang pagtitiwalaan, pagkakaibigan at kooperasyon upang mas makinabang ang mga mamamayan ng dalawang panig.

 

Ipinahayag naman ni Pendarovski na sapul nang maitatag ang nasabing ugnayan, patuloy ang paglalim ng kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Aniya pa, malaki ang nakatagong lakas ng kooperasyon ng dalawang bansa at kasama ng Tsina, nakahandang palakasin ng Hilagang Masedonya ang kooperasyon at pasulungin ang komong pag-unlad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio