Xi Jinping: Dapat pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt

2023-10-13 15:16:31  CMG
Share with:

 

Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Jiangxi, ipinatawag Huwebes, Oktubre 12, 2023, sa Nanchang, punong lunsod ng lalawigang ito, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pulong tungkol sa pagpapaunlad ng Yangtze River Economic Belt, kung saan idiniin niyang dapat ibayo pang pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng naturang economic belt para mas mabisang makatulong sa modernisasyong Tsino.


Sinabi ni Xi na habang pinapaunlad ang Yangtze River Economic Belt, dapat komprehensibong isakatuparan ang ideya ng bagong pag-unlad, at igiit ang priyoridad ng kapaligirang ekolohikal at berdeng pag-unlad.


Saad pa niyang ang mga malayang sonang pangkalakalan sa kahabaan ng naturang economic belt ay dapat gumanap ng mas malaking papel sa institusyonal na inobasyon upang mangalap ng karanasan at galugarin ang bagong paraan para itatag ang bagong sistema ng bukas na ekonomiya sa mas mataas na antas.


Nananawagan din si Xi para matatag na pasulungin ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang ekolohiya at kapakanan, at pasulungin ang koordinadong pag-unlad na panrehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: ramil