China-Africa Media Action Initiative Under the BRI, ipinalabas ng CMG at mga pangunahing median Aprikano

2023-10-15 16:06:12  CMG
Share with:

Sa okasyon ng Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation, magkakasanib na ipinalabas ng China Media Group (CMG) at mga pangunahing media ng mga bansang Aprikano ang China-Africa Media Action Initiative Under the BRI.

Nakamit ng inisyatibang ito ang suporta ng mahigit 50 organisasyon at organong pang-media ng Aprika na kinabibilangan ng African Union of Broadcasting (AUB).


Sa maraming pormang tulad ng magkakasamang paggawa ng video program, eksbisyon ng mga pelikula, at pagdaraos ng mga aktibidad na pang-media, palalalimin ng mga median Tsino at Aprikano ang pagkakaibigang Sino-Aprikano, at pasusulungin ang koneksyon ng puso ng mga mamamayan ng kapuwa panig.

Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG, ang kahandaang magsikap kasama ng mga mediang Aprikano upang magkuwento ng mabuti tungkol sa mapagkaibigang pagpapalitang Sino-Aprikano, pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan, at pagpupunyagi para sa pagsasakatuparan ng kani-kanilang pangarap, at magkakasamang ipakita ang kapansin-pansing bungang dala ng BRI cooperation sa pagitan ng Tsina at Aprika.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Grégoire Ndjaka, CEO of the African Union of Broadcasting (AUB), ang pag-asang magsisikap kasama ng median Tsino para ipakita ang isang masipag at masiglang Aprika sa buong daigdig.

Bukod pa riyan, sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagharap ng “Belt and Road Initiative,” isang aktibidad na pang-mediang pinangalanang “Maghintayan Tayo sa BRI” ang itinaguyod ng CMG.


Nakolekta nito ang mga vlogs mula sa 26 na bansa sa buong daigdig na nakatawag ng mainit na reaksyon ng mga dayuhang netizens.


Salin: Lito