Ika-134 na Canton Fair, binuksan

2023-10-16 16:44:26  CMG
Share with:

 

Binuksan, Oktubre 15, 2023 sa Guangzhou, lalawigang Guangdong, gawing timog ng Tsina ang Ika-134 na China Import and Export Fair, na kilala rin bilang Canton Fair.

 

Tatagal hanggang Nobyembre 4, 2023, ipagkakaloob ng Canton Fair sa taong ito ang offline at on-line na plataporma para sa mga bahay-kalakal.

 

Ang kabuuang saklaw ng tanghalan ng nasabing perya ay mahigit 1.5 milyong metro-kuwatrado, samantalang mahigit 28 libong bahay-kalakal naman ang kalahok dito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio