Artikulo ni Xi Jinping sa “Pag-aakma ng Marsismo sa Kontekstong Tsino,” isinapubliko

2023-10-16 15:37:20  CMG
Share with:

Isinapubliko ngayong araw, Oktubre 16, 2023 ng Qiushi Journal, opisyal na magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, hinggil sa “Pag-aakma ng Marsismo sa Kontekstong Tsino.”

 

Ayon sa artikulo, iniharap sa katatapos na Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC ang mahalagang direksyon sa pagpapasulong ng Marsismo, at ito’y solemna at historikal na responsibilidad ng Partido.

 

Batay sa kasaysayan, ang pundamental na dahilan ng pagkakamit ng mahahalagang progreso ng CPC ay pagpapasulong ng pag-unlad at inobasyon ng teorya ng Marsismo, batay sa aktuwal na kalagayan ng Tsina, saad pa ng artikulo.


Salin: Ernest 

Pulido: Rhio