Xi Jinping, nakipagtagpo sa PM ng Hungary

2023-10-17 15:56:58  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong araw, Oktubre 17, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Viktor Orban ng Hungary, na dumadalo sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), sinabi ng pangulong Tsino, na kasama ng Hungary, nakahandang palakasin ng Tsina ang pagpapalitan ng karasanan sa pangangasiwa ng bansa at partido, pasulungin ang pag-uugnayan ng estratehiya ng dalawang bansa, at ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad.

 

Aniya, dapat patatagin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa imprastruktura, transportasyon, transnasyonal na e-komersyo, impormasyon at bagong eneriya.

 

Nakahanda ang Tsina na palawagin ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultura ng Hungary, saad ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Orban na ang pamumuhunan at kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng Tsina ay nakakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Hungary.

 

Matatag na kinakatigan ng Hungary ang kooperasyon ng Belt and Road Initiative, aniya pa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio