Xi Jinping, nakipagtagpo sa punong ministro ng Ethiopia

2023-10-17 15:55:24  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong araw, Oktubre 17, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Abiy Ahmed Ali ng Ethiopia, na dumadalo sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), tinukoy ng pangulong Tsino, na ang Ethiopia ay mahalagang kasangkot sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI) at mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng nasabing inisyatiba.

 

Kasama ng Ethiopia, nakahandang palakasin ng Tsina ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangang gaya ng BRI, para tumulong sa rekonstruksyon at pagbangon ng kabuhayan ng Ethiopia.

 

Ipinahayag ni Abiy Ahmed Ali, na ang kooperasyon ng Tsina at Ethiopia, lalung-lalo na sa BRI ay nakakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng kanyang bansa.

 

Umaasa aniya siyang patuloy na isusulong ng dalawang bansa ang konstruksyon ng BRI at isasagawa ang mas mahigpit na kooperasyon sa mga masusing larangan.

 

Saad pa niya, pinahahalagahan at kinakatigan ng kanyang bansa ang Global Development Initiative (GDI), Global Security Initiative (GSI) at Global Civilization Initiative (GCI).

 

Magkasama ring isinapubliko ng dalawang panig ang magkasanib na pahayag ng Tsina at Ethiopia hinggil sa pagtatatag ng All-Weather Strategic Partnership.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio