Pangulo ng Tsina at Chile, nag-usap

2023-10-17 16:01:12  CMG
Share with:

Sa pag-uusap ngayong araw, Oktubre 17, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Boric Font ng Chile, sinabi ng pangulong Tsino, na dapat pasulungin ng dalawang bansa ang de-kalidad na konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI), palalimin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, imprastruktura, malinis na enerhiya, digital economy at inobasyon ng teknolohiya.

 

Winewelkam din aniya ng Tsina ang pagpasok ng mas maraming produkto ng Chile sa pamilihang Tsino at ini-enkorahe ang pagpapalitang pangkultura at tao-sa-tao.

 

Ipinahayag ni Boric Font, na palaging iginigiit ng Chile ang patakarang isang-Tsina, at ang kooperasyon ng BRI ay mahalagang plataporma ng iba’t-ibang bansa tungo sa mutuwal na kapakinabangan.

 

Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang sinaksakan ng dalawang pangulo ang paglagda sa mga dokumento ng kooperasyon, at pagsasapubliko ng magkasamang pahayag.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio