Nag-usap kahapon, Oktubre 17, 2023 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Joko Widodo ng Indonesia na dumadalo sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRFIC).
Idiniin ni Xi na kasama ng Indonesia, nakahanda ang Tsina na palalimin ang estratehikong kooperasyon at katigan ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleong interes.
Saad pa ni Xi na nakahanda rin ang Tsina na dagdagan ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultural ng Indonesia, pahigpitin ang kanilang kooperasyon sa digital economy, bagong enerhiya, agrikultura, kalusugan, kultura, edukasyon at turismo.
Ipinahayag naman ni Joko na itinuturing ng kanyang bansa ang Tsina bilang mahalagang estratehikong partner sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
Kasama ng Tsina, nakahanada ang Indonesia na pasulungin ang de-kalidad na Belt and Road cooperation, ani Joko.
Saad pa niyang winewelkam ng kanyang bansa ang paglahok ng mas maraming bahay-kalakal ng Tsina sa konstruksyon ng bagong kabisera ng Indonesia at sonang industriyal sa Kalimantan Utara.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasama nilang sinaksihan ang paglalagda ng mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.
Nang araw ring iyon, magkahiwalay na nakipagtagpo si Xi sa mga dayuhang panauhin na dumadalo sa Ika-3 BRFIC na kinabibilangan nina Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia, Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan, at Punong Ministro James Marape ng Papua New Guinea.
Sina Xi at Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia.
Sina Xi at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan.
Sina Xi at Punong Ministro James Marape ng Papua New Guinea.
Salin: ernest
Pulido: Ramil