Xi Jinping, nagtalumpati sa ika-3 BRF

2023-10-18 13:00:40  CMG
Share with:

Nagtalumpati ngayong araw, Oktubre 18, 2023 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi na kasama ng iba’t ibang panig, nakahanda ang panig Tsino na lalo pang palalimin ang partnership at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng Belt and Road cooperation.

 

Isinapubliko rin ni Xi ang mga plano ng panig Tsino para rito na kinabibilangan ng pagtatatag ng Belt and Road connectivity network, pagsuporta sa pagtatatag ng bukas na ekonomiyang pandaigdig, pagsasagawa ng aktuwal na kooperasyon, pagpapasulong ng berdeng pag-unlad, pagpapasulong ng inobasyon ng teknolohiya at agham, pagsuporta sa pagpapalitang tao-sa-tao, pagpapasulong ng integrity-based Belt and Road cooperation, at pagpapabuti ng mekanismo ng kooperasyong pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil