Great Hall of the People, Beijing — Isang bangketeng panalubong ang inihandog Oktubre 17, 2023 nina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina para sa mga dayuhang panauhing kalahok sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Dumalo rin sa bangkete sina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi, Ding Xuexiang, Li Xi, at Han Zheng.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot sa talumpati ni Xi ang mainit na pagtanggap sa mga dayuhang panauhin sa paglahok sa Ika-3 BRF.
Tinukoy ni Xi na nitong 10 taong nakalipas sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative (BRI), magkakasamang nagpupunyagi ang Tsina at iba’t-ibang bansa para makapag-ambag sa konektibidad ng buong mundo, makapagtayo ng plataporma ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, at makapagbigay ng puwersang panulak sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ani Xi, di matahimik ang kasalukuyang daigdig, lumalaki ang presyur ng pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, at nahaharap ang pag-unlad ng daigdig sa napakaraming hamon.
Ngunit, di mahahadlang aniya ang tunguhing pangkasaysayan tungo sa kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at panalu-nalong resulta, di mahadlang ang paghahanap ng mga mamamayan sa magandang buhay, at di mahahadlang ang pangarap ng iba’t-ibang bansa sa pagsasakatuparan ng komong kaunlaran at kasaganaan.
Kung igigiit ang orihinal na aspirasyon at tutuparin ang misyong pangkaunlaran, tiyak na maililikha ang mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan, diin pa ni Xi.
Saln: Lito
Pulido: Ramil