CMG Komentaryo: “aksyong Tsino,” paano makakatulong sa modernisasyon ng mundo?

2023-10-19 15:38:51  CMG
Share with:

Ang modernisasyon ay komong hangarin ng sangkatauhan, at ito ay isa ring pandaigdigang problema.


Sa ngayon, mahigit 20 bansa lamang sa buong mundo ang maaaring masabi na sumasailalim sa modernisasyon.


Ang tanong, paano maisasakatuparan ang modernisasyon sa malawak na masa ng mga umuunlad na bansa?


Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF), ipinahayag, Oktubre 18, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kasama ng iba’t-ibang panig, nais palawakin ng Tsina ang kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI), isulong ang magkakasamang pagpasok ng BRI sa bagong yugto, at walang patid na magsikap tungo sa modernisasyon ng iba’t-ibang bansa ng daigdig.


Para rito, iniharap ni Xi ang 8 aksyong kinabibilangan ng pagtatatag ng Belt and Road connectivity network, pagsuporta sa pagtatatag ng bukas na ekonomiyang pandaigdig, pagsasagawa ng aktuwal na kooperasyon, pagpapasulong ng berdeng pag-unlad, pagpapasulong ng inobasyon ng teknolohiya at agham, pagsuporta sa pagpapalitang tao-sa-tao, pagpapasulong ng integrity-based Belt and Road cooperation, at pagpapabuti ng mekanismo ng kooperasyong pandaigdig.


Ipinahayag naman ng mga eksperto, na sa harap ng malaking kawalang-katiyakan sa situwasyong pandaigdig at mga pandaigdigang hamon, inihayag ni Pangulong Xi ang matatag na determinasyon ng panig Tsino upang isulong ang de-kalidad na pag-unlad ng BRI.


Anila, binibigyang-patnubay ng nasabing 8 aksyon ang direksyon sa magkakasamang dekalidad na konstruksyon ng BRI, at pinapasigla ang modernisasyong pandaigdig – bagay na nagpapakita ng resonsibilidad ng Tsina, bilang isang malaking bansa, sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon at komong kaunlaran.


Salin: Lito

Pulido: Rhio