Peng Liyuan at mga unang ginang ng iba’t-ibang bansa, bumisita sa China National Arts and Crafts Museum

2023-10-19 11:45:31  CMG
Share with:

 

Kasama ng mga unang ginang mula sa iba’t-ibang bansa, bumisita, Oktubre 18, 2023 si Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina sa China National Arts and Crafts Museum.

 

Tiningnan nila rito ang mga obra-maestrang tulad ng nililok na jade, nililok na kahoy at hinabing tela.

 

Maliban diyan, pinanood din nila ang mga tradisyonal na pansining na pagtatanghal ng kulturang Tsino.

 

Kasama ang mga kabiyak, ang nasabing mga unang ginang ay nasa Beijing para sa Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).


Salin: Ernest

Pulido: Rhio