Sa pagtatagpo, Oktubre 18, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sinabi ng una na kinakaharap ng kasalukuyang daigdig ang mga hamon at banta, kaya dapat pagbutihin ang pagkakaisa at kooperasyon, at pahalagahan ang usapin ng pag-unlad.
Ani Xi, ang UN ay mahalagang partner sa konstruksyon ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), kaya kasama ng UN, pasusulungin ng Tsina ang de-kalidad na konstruksyon ng nasabing inisyatiba.
Nakahanda rin aniyang pag-igihan ng panig Tsino ang kooperasyon, pasulungin ang multilateralismo at multi-polarisasyon ng daigdig, at palakasin ang pag-unlad ng pangangasiwang pandaigdig tungo sa mas makatarungan at makatuwirang direksyon.
Ayon naman kay Guterres, ang konstruksyon ng BRI ay nagkakaloob ng mahalaga at mabisang paraan para sa sustenableng pag-unlad ng mga umuunlad na bansa.
Ang mga planong iniharap ni Xi sa ika-3 BRF ay angkop sa prinsipyo at layunin ng UN, at ang mga ito ay nakakabuti sa pag-usbong ng mga umuunlad na bansa, aniya.
Dagdag ni Guterres, pasusulungin ng UN ang kooperasyon sa Tsina at suportado niya ang Global Development Initiative (GDI), Global Security Initiative (GSI) at Global Civilization Initiative (GCI) na iniharap ni Xi.
Si Guterres ay nasa Tsina para sa ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Salin: Ernest
Pulido: Rhio