Nakipagtagpo kahapon, Oktubre 19, 2023 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Srettha Thavisin, Punong Ministro ng Thailand, na dumalo sa ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Idiniin ni Xi na dapat ganapin ng Tsina at Thailand ang namumunong papel sa pagpapasulong ng de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road.
Umaasa rin aniya siyang pabibilisin ng dalawang bansa ang paglatag ng China-Thailand Railway, at palalawakin ang kooperasyon sa digital economy, berdeng pag-unlad, bagong enerhiya, at pagpapalitang tao-sa-tao.
Kasama ng Thailand, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na balangkas na gaya ng ASEAN, Lancang-Mekong Cooperation at United Nations, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Thavisin ang pag-asang mas maagang maipapatupad ang mga bunga tungkol sa pagpapalakas ng kooperasyong Thai-Sino na narating ng dalawang bansa noong Nobyembre ng nagdaang taon habang dumadalaw sa Thailand si Pangulong Xi.
Nakahanda rin aniya ang Thailand, kasama ng Tsina, na palalimin ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at magkasamang pasulungin ang konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng dalawang bansa para isakatuparan ang mas mabuting konektibidad.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil