Unang pangkat ng materyal na tulong, pasok na sa Gaza

2023-10-22 15:06:17  CMG
Share with:

Dahil sa pagbubukas, Oktubre 21, 2023 ng Rafah Border Crossing sa pagitan ng Ehipto at Gaza Strip, 20 trak na naglalaman ng makataong tulong, na kinabibilangan ng gamot, pagkain, at tubig ang nakapasok sa Gaza Strip. 


Sapul nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Hamas at Israeli, ito ang unang pagkakataong pinayagang makapasok ang makataong materyal sa lugar.


Sa kabila nito, sinabi ng isang opisyal ng United Nations (UN), na di-sapat ang naturang mga materyal, at kailangan pang magpadala ng mas maraming tulong.


Salin: Lito

Pulido: Rhio